Pangulong Duterte, bibisitahin ang mga biktima ng malakas na lindol sa Surigao City

By Mariel Cruz February 12, 2017 - 09:13 AM

duterte5Nakatakdang bisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Surigao City na tinamaan ng 6.7 magnitude na lindol.

Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development para aniya personal na makita at makausap ng pangulo ang mga biktima ng malakas na lindol.

Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, makikipagkita si Pangulong Duterte sa mga biktima ng malakas na lindol na kumitil sa buhay ng anim na tao.

Kakausapin aniya ni Duterte ang ilan sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan.

Inaasahan din na magkakaroon ng pulong si Duterte sa mga lokal na opisyal ng Surigao para i-check ang kanilang disaster response.

Mahigit tatlong daan na bahay at maraming kalsada, tulay at maging ang runway ng airport sa lungsod ang nasira dahil sa nasabing lindol.

Bukod dito, hanggang ngayon ay wala pa rin suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Surigao City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.