Temperatura sa Baguio City, bumagsak sa 9.6 degrees Celsius

Elderly women mixed and matched their homegrown sweaters with thick snow jackets at Burnham Park in Baguio City. The cooling temperatures have allowed local folk to bring out their best winter fashion gear, usually courtesy of Baguio's secondhand clothes stores where snow jackets from the US and Asia are stocked.   PDI-NL PHOTOS / Richard Balonglong
PDI-NL PHOTOS / Richard Balonglong

Bumagsak sa 9.6 degress Celsius ang temperatura sa Baguio City kahapon, araw ng Sabado.

Dahil dito, marami sa mga residente sa lalawigan ang nagsuot ng makakapal na damit kapag lumalabas sa kani-kanilang mga bahay.

Ayon kay Baguio weather observe Danny Galati, posible pang mas bumaba ang temperatura sa Baguio sa mga susunod na araw.

Ito aniya ay dahil sa malamig na hangin na magmumula sa China at Siberia.

Sinabi naman ni PAGASA weather observer Efren Dalipog, naglalaro sa 11 hanggang 13 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio sa nakaraang linggo.

Noong nakaraang Linggo, bumagsak ito sa 11.7 degrees Celsius at tumaas naman sa 12.5 degrees Celsius noong Lunes.

Noong Martes naman ay tumaas pa sa 13.2 degrees Celsius habang noong Miyerkules naman ay muling bumaba sa 11.7 degrees Celsius.

Pagdating ng Huwebes ay naitala naman ang 12.5 degrees Celsius na temperatura at noong Biyernes at bumagsak naman sa 10.5 degrees Celsius.

Noong naramdaman ang mas malamig na temperatura sa Baguio noong January 9 kung saan bumagsak ito sa 11 degrees Celsius.

Ang temperatura kahapon ay ang pinakamalamig na naitala ngayong taon sa Baguio.

Dahil dito, inaasahang na mas malamig sa lungsod sa araw ng mga puso.

Read more...