Sen. Legarda, hinikayat ang gobyerno at NDFP na muling ipagpatuloy ang peace talks

By Angellic Jordan February 12, 2017 - 07:27 AM

 

loren-legardaHinikayat ni Senadora Loren Legarda ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng senadora na magiging madugo lang ang ikakasang labanan ng dalawang panig at mahihirapang makamit ang matagl nang inaasam na kapayapaan.

Paliwanag pa nito, suportado ang pagbabalik ng peace talks kung saan nananatili ang aniya’y “reservoir of goodwill” sa dalawang panig upang simulan muli ang naudlot na usapan.

Mas marami lang aniyang mamamatay at masasakripisyo alinman sa pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines ang manalo sa giyera.

Kamakailan, matatandaang inideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang all-out-war laban sa mga komunistang grupo matapos ang paghihinto sa naturang usapan.

TAGS: duterte, National Democratic Front of the Philippines, Sen. Loren Legarda, duterte, National Democratic Front of the Philippines, Sen. Loren Legarda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.