Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng libreng gamot ang mga nakatatandang may sakit, lalo na ang may altapresyon, Diabetes, at mataas na cholesterol.
Ilalaan ang halos 66 milyong piso sa Manila Health Department (MHD) para sa pondo nito. Hahatiin ito sa 59 na health center sa lungsod.
Ayon kay MHD chief Benjamin Yson, ang halagang ito ay initial allocation pa lamang para sa taong 2017.
Makatatanggap ng hindi bababa sa 2,000 pisong halaga ng gamot kada buwan ang senior citizens ng Maynila.
Kinakailangan lamang na rehistrado sa Office for Senior Citizens Affairs para makakuha nito.
Kailangang ding sumailalim sa regular na medical check-up sa kani-kanilang barangay health centers ang mga sasailalim sa programa.
Inaasahan namang nasa 26,000 senior citizens ng Maynila ang makinabang dito.