Mandaue City government, nagpaabot ng tulong-pinansiya sa Surigao City
Nagpadala ang pamahalaang lokal ng Mandaue City ng tulong-pinansiyal sa local government unit at mga pamilyang apektado ng 6.7 magnitude na lindol Surigao City, Biyernes ng gabi.
Batay sa Facebook post ni Mandaue City Mayor Luigi Quisumbing, nagkasundo siya at si Vice Mayor Carlo Fortuna na magpadala ng financial aid para sa konstruksyon ng ilang pasilidad sa lugar.
Ayon kay Fortuna, mahigit isang daang libong pisong tulong ang ipapadala ng kanilang tanggapan sa lungsod.
Pag-uusapan aniya ng mga miyembro ng konseho ang pagpapasa ng resolusyon sa Miyerkules.
Maliban dito, tatalakayin rin aniya kung kailangang magpadala ng city disaster personnel upang makatulong sa isinasagawang rescue operations.
Kasabay nito, nagparating ng pakikiramay si Quisumbing sa mga kababayan at nangakong makakasama ang naturang lokal na pamahalaan hanggang sa pagbangon ng lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.