DOLE Dept. Order sa Anti-Age Discrimination Act, pirmado na
Hindi batayan ang edad pagdating sa trabaho ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinirmahan na Labor Secretary Silvestre Bello III ang Februay 2 Department Order No. 170 kung saan isinasabatas ang Republic Act 10911 o Anti-Age Discrimination Act.
Ayon kay Bello, saklaw ng naturang batas ang lahat ng employer, labor contractors o subcontractors at labor organizations.
Sa ilalim nito, maikokonsiderang paglabag na sa batas ang pagsasama ng batayan o limitasyon pagdating sa edad ng isang aplikante.
Ipinagbabawal na rin sa batas ang paghahanap ng deklarasyon ng edad at araw ng kapanganakan sa proseso ng aplikasyon, pagharang sa promosyon o pagbibigay ng oportunidad sa trabaho, maging ang pwersahang pagtatanggal at pagbibigay ng maagang retirement sa isang empleyado dahil sa edad nito.
Maliban dito, nakapaloob rin sa batas ang ilang sitwasyon na maaari namang limitasyon ng batas pagdating sa trabaho.
Samantala, hindi bababa sa limampung libong piso hanggang limang daang libong pisong multa o pagkakakulong ng tatlong buwan hanggang dalawang taon ang magiging kaparusahan kung sinumang lumabag sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.