Halaga ng pagpapatayo sa US-Mexico border wall, posibleng bumaba pa

By Rohanisa Abbas February 12, 2017 - 05:09 AM

donald-trumpPosibleng maibaba pa ang presyo ng pagtatayo ng pader sa border ng United States at Mexico.

Ipinahayag ito ni Trump sa kanyang Twitter account, ngunit hindi naman niya isinaad ang eksaktong halaga nito.

“I am reading that the great border WALL will cost more than the government originally thought, but I have not gotten involved in the…design or negotiations yet. When I do, just like with the F-35 FighterJet or the Air Force One Program, price will come WAY DOWN!” tweet ni Trump.

Ayon sa pagtaya ni Trump noong panahon ng kampanya, aabot lamang sa $12 bilyong ang gagastusin sa paggawa nito, ngunit batay sa ulat ng US Department of Homeland Security, halagang $21.6 bilyong ang gugugulin para rito.

Bagaman wala pang anumang negosasyon para rito, siniguro na ni Trump na maibaba niya ang halaga ng gagastusin sa pagpapatayo ng pader sa US-Mexico border.

TAGS: trump, US-Mexico border wall, trump, US-Mexico border wall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.