Matatandaang pansamantalang inihinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks noong nakaraang linggo matapos magsagawa ng pag-atake ang New People’s Army (NPA) laban sa militar.
Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, dapat irespeto ng mga presidential advisers at miyembro ng gabinete ang desisyon ni Duterte hangga’t wala pang inilalabas na pagbabago ukol dito.
Paliwanag pa nito, maituturing na isang “listening president” si Duterte at ipagpapatuloy aniya nitong ikonsidera ang mga payo mula sa mga secretary at peace advisers.
Sasalain pa aniya ng Palasyo ang pagbabago sa usapan sa mga susunod na araw.
Ngunit giit nito, dapat aniyang ipakita ng NPA na totoong interesado ito sa pagpapatuloy ng naturang usapan.
Samantala, patuloy namang hinihikayat ng ilang senador at mga kabataang grupo ang gobyerno at NDFP-CPP-NPA na ipagpatuloy ang naudlot na usapan.