Peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDFP-CPP-NPA, hindi magpapatuloy hangga’t walang abiso mula kay Pang. Duterte
Wala pa ring abiso ang Malacañang kaugnay sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines.
Matatandaang pansamantalang inihinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks noong nakaraang linggo matapos magsagawa ng pag-atake ang New People’s Army (NPA) laban sa militar.
Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, dapat irespeto ng mga presidential advisers at miyembro ng gabinete ang desisyon ni Duterte hangga’t wala pang inilalabas na pagbabago ukol dito.
Paliwanag pa nito, maituturing na isang “listening president” si Duterte at ipagpapatuloy aniya nitong ikonsidera ang mga payo mula sa mga secretary at peace advisers.
Sasalain pa aniya ng Palasyo ang pagbabago sa usapan sa mga susunod na araw.
Ngunit giit nito, dapat aniyang ipakita ng NPA na totoong interesado ito sa pagpapatuloy ng naturang usapan.
Samantala, patuloy namang hinihikayat ng ilang senador at mga kabataang grupo ang gobyerno at NDFP-CPP-NPA na ipagpatuloy ang naudlot na usapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.