Star Hotshots, wagi kontra Barangay Ginebra sa Game 2 ng semifinals series sa 2017 PBA Philippine Cup

By Angellic Jordan February 12, 2017 - 02:39 AM

 

PBA image
PBA image

Nakaabante na ng dalawang panalo ang Star Hotshots kontra Barangay Ginebra Gin Kings sa kanilang Game 2 ng best-of-seven semifinals series sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi.

Sa second quarter ng laban, umabot pa sa sampu ang kalamangan ng Gin Kings ngunit umarangkada ang Star na naging simula ng kanilang close-fight game.

Sa kabila nang mahigpit na laban, bumugso si Paul Lee sa huling pitong minuto ng laban na nagresulta sa 91-89 score.

Muntik namang makapagtala ng triple-double record si Ginebra player Scottie Thompson na may 17 points, 10 rebounds at six assists.

Ayon kay Star Hotshots head coach Chito Victolero, puso ang nanaig sa koponan upang mapanalo ang laro.

Dagdag pa nito, walang saysay ang 2-game lead kung hindi maipapanalo ang Game 3 kaya hindi dapat aniya magpakampante ang koponan.

Samantala, nakatakda ang paghaharap ng dalawang koponan sa Game 3 bukas sa SM Mall of Asia Arena.

TAGS: 2017 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra Gin Kings, Game 2, Star Hotshots, 2017 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra Gin Kings, Game 2, Star Hotshots

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.