40 adik na pulis sisibakin na sa serbisyo

By Den Macaranas February 11, 2017 - 08:56 PM

pnp
Inquirer file photo

Inirekomenda na ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police ang pagsibak sa 40 pulis na nagpositibo sa pag-gamit ng iligal na droga.

Sa ulat ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo, noong nakalipas na buwan ng Enero ay sinibak na ang 90 mga pulis na kabilang sa unang batch ng mga PNP personnel na napatunayang gumagamit ng illegal drugs.

Sa nasabing batch ay may siyam pa ang nakatakdang sipain sa kanilang tungkulin base na rin sa isinasaad ng civil service rules.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na magpapatuloy ang mga random drug test sa mga pulis bilang pagtalima na rin sa anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang kamakailan ay iniutos ng pangulo ang pagbuwag sa Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ng PNP makaraang masangkot ang ilan sa kanilang mga tauhan sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo. / Den

TAGS: duterte, ias, Illegal Drugs, PNP, duterte, ias, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.