Amo ng kasambahay na pinugutan ng ulo kinasuhan na

Police banner
.

Kinasuhan na ng murder ang employer na si Aleli Froilan Yap at dalawang kasamahan sa trabaho ng 17-taong gulang na kasambahay na natagpuang pugot ang ulo noong nakalipas na buwan ng Enero.

Kinilala ang dalawa pang kinasuhan na sina Akiko Nyron Lindon at Crissamae Aniel Chali.

Matatandaang natagpuan ang ulo ni Richelle Sagang sa isang creek sa Makati City at ang katawan nito ay sa isang lugar sa Bulacan.

Batay sa imbestigasyon, napag-alamang dumanas na ng karahasan si Sagang nang dalhin ito sa security office ng Ayala Alabang Village.

Tinakpan lamang ng makeup ang mga pasa nito para maitago ito.

Ayon sa investigation report na pinatibay ng mga testimonya at mga dokumento na nagsabwatan ang tatlo sa pagpatay kay Sagang.

Ang imbestigasyon ay resulta ng Special Investigation Task Force “Sagang” na binuo ng Southern Police District ayon kay SPD director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr.

Read more...