90% ng mga nilindol na lugar sa Surigao may kuryente na

By Den Macaranas February 11, 2017 - 06:58 PM

NGCP Worker
Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Energy na bago matapos ang araw na ito ay maibabalik na nila ang supply ng kuryente sa kabuuan ng Surigao Del Norte.

Naputol ang suplay ng kuryente sa Surigao City at sa mga bayan ng San Francisco, Malimono, Sison at Tagaanan makaraan ang magnitude 6.7 na lindol kagabi.

Inatasan ng DOE ang National Grid Corporation of the Philippines na makipag-ugnayan sa Surigao Del Norter Electric Cooperative (SURENECO) para mapadali ang pagsasa-ayos sa mga nasirang linya.

Kaninang alas-sais ng gabi ay iniulat ng DOE na umabot na sa 90 percent ng kabuuang sakop ng serbisyo ng SURNECO ang may suplay na ng kuryente.

Samantala, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na unti-unti na ring naibabalik sa normal ang serbisyo ng mga cell sites sa lugar.

TAGS: DOE, ngcp, sureneco, surigao del norte, DOE, ngcp, sureneco, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.