Surigao City niyanig ng magnitude 4.9 na aftershock

By Den Macaranas February 11, 2017 - 06:21 PM

Surigao quake10
Photo: PCO

Biglang nagkagulo ang ilang mga tao malapit sa Surigao City Hall makaraan ang pagyanig dulot ng magnitude 4.9 na aftershocks kaninang 5:11 ng hapon.

Sinabi ni Surigao City Mayor Ernesto Matugas na kasalukuyan niyang pinupulong ang kanyang mga tauhan nang maganap ang malakas na aftershocks.

Dahil sa nasabing pangyayari ay inaasahan na nilang marami sa mga residente sa lugar ang magpapalipas sa mga open spaces sa kanilang lungsod dahil maraming mga bahay ang may mga bitak dulot ng pagyanig.

Kaninang tanhali at isinailalim na sa state of calamity ang buong lungsod para mapabilis ang paglalabas ng pondo sa 54 na Barangay sa lungsod.

Inihahanda na rin ang compound ng Surigao Del Norte Capitol Complex na gagawing isa sa mga pansamantalang evacuation center.

Bukas ng umaga ay pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iikot sa mga lugar na pininsala ng lindol.

TAGS: aftershocks, matugas, surigao city, aftershocks, matugas, surigao city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.