LTFRB nagpaliwanag sa kalituhan ng publiko sa dagdag singil sa jeepney at taxi

Ltfrb taxiInulan ng reklamo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa kanilang ipinatupad na dagdag singil sa pasahe sa jeepney at mga taxi.

Marami ang nalito sa kung magkano ba talaga ang dapat na dagdag sa pamasahe samantalag ang ilang tsuper naman ng public transport ay nagsamantala sa nasabing fare increase.

Sa kanilang paliwanag, sinabi ng LTFRB na simula kahapon ay P40 na ang flagdown fare para sa unang 400 meters epektibo sa buong bansa maliban sa mga lugar na akop ng Cordillera Autonomous Region (CAR).

Sa kabuuan ng CAR ay ipapatupad ang P35 na flagdown rate sa unang 400 meters pero walang pinagtibay na dagdag para sa mga susunod na kilometro.

Sa mga pampasaherong jeepney naman ay P8.00 na ang regular minimum fare para sa unang apat na kilometro samantalang P6.40 naman para sa mga mag-aaral, senior citizens at person with disabilities (PWDs).

Nilinaw rin ng LTFRB na tanging minimum fare lamang ang kanilang itinaas at hindi ang halaga ng mga susunod na kilometro na lampas sa unang apat na kilometro.

Read more...