Baguio City handa na sa pagdagsa ng mga tao para sa Valentine’s Day
Nagdagdag na ng mga checkpoints ang pamahalaang lokal ng Baguio City kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga tao para sa paggunita ng Valentine’s Day sa lungsod.
Sinabi ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan na bukod sa mga tauhan ng Philippine National Police ay katuwang nila ang Armed Forces of the Philippines sa pagbabantay ng kaayusan ng lungsod.
Taun-taon ayon sa nasabing opisyal na dinadagsa ng mga local tourists ang Baguio City tuwing araw ng mga puso.
Sa Baguio City rin nagmumula ang karamihan sa mga bulaklak na ibibebenta sa Metro Manila.
Sinabi rin ni Domogan na hindi totoo ang mga report na sila ay lulusubin ng mga rebeldeng New People’s Army tulad ng mga kumalat na ulat sa social media.
Kaninang umaga ay umabot sa 9 degrees celcius ang temperatura sa lungsod at inaasahan pa ang pagbaba nito sa mga susunod na araw.
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa lungsod ay asahan na rin daw ang masikip na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan paakyat sa Baguio City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.