Gratuity pay para sa mga contractual workers sa gobyerno, inaprubahan na ni Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng one-time gratuity pay na nagkakahalagang P1,000 hanggang P2,000 para sa mga contractual workers sa pamahalaan.
Nakasaad sa administrative order (AO) na nilagdaan ni Duterte noong katapusan ng Enero, na karapatdapat lang na makatanggap ang mga contractual workers ng gobyerno ng Gratuity Pay bilang pagkilala sa kanilang puspusang pagtatrabaho.
Base dito, bibigyan ang mga empleyadong nakapagtala ng “satisfactory service” sa loob ng hindi bababa sa apat na buwan as of December 15, 2016, ng gratuity pay ng hindi hihigit sa P2,000, basta’t may bisa pa ang kanilang kontrata sa petsang iyon.
Para naman sa mga nagbigay serbisyo ng mas mababa sa apat na buwan nang dumating ang nasabing petsa, makakatanggap sila ng gratuity pay na hindi hihigit sa P1,000.
Sakop ng naturang AO ang mga contractual workers sa mga ahensya ng gobyerno, state universities and colleges, government-owned and -controlled corporations at government financial institutions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.