Naglabas ang CA ng resolusyon ilang oras matapos nilang dinggin ang petisyon ng writ of amparo na inihain ng bukod tanging nakaligtas sa Tokhang na si Efren Morillo, kasama ang mga kaanaknina Marcelo Daa Jr., Raffy Gabo, Anthony Comendo at Jessie Kule.
Ayon sa CA, ginawa na nilang permanente ang una nilang inilabas na Temporary Protection Order, kung saan nakasaad na hindi maaring kumapit sa one kilometer radius ng tahanan ng mga petitioners ang mga pulis na respondents dito.
Ito ay sina Police Senior Insp. Emil S. Garcia, PO3 Allan Formilleza, PO1 James Aggarao at PO1 Melchor Navisaga, pati na ang sinuman sa kanilang mga ahente.
Ipinag-utos na rin ng korte na ilipat ang mga ito malayo sa Quezon City at sa Montalban, Rizal, at pinagbawalan na rin nito ang Philippine National Police (PNP) na mag-kasa ng Oplan Tokhang laban sa mga petitioners.
Hiniling ng mga petitioners ang reassignment ng mga nasabing pulis upang matigil na ang pangha-harass nito sa kanila.
Kasunod nito ay inatasan rin ng CA si PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa na tiyaking maipatutupad ang kanilang mga kautusan.