Mga pulis, permanente nang pinalalayo ng CA sa mga nabiktima at kaanak ng mga na-‘Tokhang’

By Kabie Aenlle February 11, 2017 - 05:11 AM

Court-of-Appeals-buildingGinawa nang permanente ng Court of Appeals (CA) ang kanilang inilabas na protection order para sa mga nakaligtas at mga kaanak ng mga nabiktima ng Oplan Tokhang sa Payatas, Quezon City.

Naglabas ang CA ng resolusyon ilang oras matapos nilang dinggin ang petisyon ng writ of amparo na inihain ng bukod tanging nakaligtas sa Tokhang na si Efren Morillo, kasama ang mga kaanaknina Marcelo Daa Jr., Raffy Gabo, Anthony Comendo at Jessie Kule.

Ayon sa CA, ginawa na nilang permanente ang una nilang inilabas na Temporary Protection Order, kung saan nakasaad na hindi maaring kumapit sa one kilometer radius ng tahanan ng mga petitioners ang mga pulis na respondents dito.

Ito ay sina Police Senior Insp. Emil S. Garcia, PO3 Allan Formilleza, PO1 James Aggarao at PO1 Melchor Navisaga, pati na ang sinuman sa kanilang mga ahente.

Ipinag-utos na rin ng korte na ilipat ang mga ito malayo sa Quezon City at sa Montalban, Rizal, at pinagbawalan na rin nito ang Philippine National Police (PNP) na mag-kasa ng Oplan Tokhang laban sa mga petitioners.

Hiniling ng mga petitioners ang reassignment ng mga nasabing pulis upang matigil na ang pangha-harass nito sa kanila.

Kasunod nito ay inatasan rin ng CA si PNP chief Director Gen. Ronald dela Rosa na tiyaking maipatutupad ang kanilang mga kautusan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.