Death penalty, solusyon laban sa heinous crimes ayon kay Duterte

By Kabie Aenlle February 11, 2017 - 04:57 AM

death-penalty-0517Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga batikos, dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano niyang buhayin ang parusang bitay sa bansa.

Naniniwala kasi si Duterte na oras na maibalik ang death penalty sa bansa, mababawasan o masusupil na ng mga otoridad ang mga heinous crimes.

Sa kaniyang talumpati sa business forum sa Davao City, sinabi ng pangulo na nang alisin ang death penalty, tumaas ng 3,180% ang bilang ng mga naitalang heinous crimes.

Ito ay base mismo aniya sa isang report kung saan binanggit ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Benjamin Delos Santos na tumaas ang nasabing bilang mula noong 2006.

Ayon pa aniya kay Delos Santos, nasa 189 na inmates ang nakulong dahil sa heinous crimes bago i-abolish ang death penalty noong 2006, ngunit pumalo ito sa 6,200 pagkatapos itong alisin.

Binanatan naman ni Duterte ang kaniyang mga kritiko na laging sinasabing wala namang nangyari noong umiiral pa ang death penalty.

Giit niya, kaya walang nangyayari noon dahil hindi pa siya ang nakaupong presidente sa mga nagdaang administrasyon.

Oras aniya na maibalik niya ito, ibibigti niya ang mga kriminal nang parang kurtina.

Samantala, nagsimula naman na sa parehong kapulungan sa Kongreso ang pagdinig sa mga panukala na muling ibalik ang parusang bitay sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.