120% mas mataas na hotel rates sa Cebu ngayong APEC, ayaw paawat
Amininado ang mga local officials sa lalawigan ng Cebu na tanging pakiusap lamang ang kanilang pwedeng gawin sa mga Hotel operators para hindi nila itaas ang kanilang mga rates ngayong panahon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Cebu City Mayor Michael Rama na nakipag-ugnayan na sa kanya si APEC 2015 National Organizing Committee Director Ambassador Marciano Paynor Jr. hingil sa problema ng ilang Delgado dahil sa mahal na hotel rates.
“Kahit kami ay nabigla dahil umabot sa 120-percent ang itinaas ng bayad sa halos ay lahat ng mga Hotels at Pension Houses dito sa amin”, ayon kay Rama.
Sinabi ni Rama na ipinaliwanag nila sa mga hotel executives na hindi mga turista kundi mga delegado ang pupunta sa mga APEC meetings sa susunod na linggo kaya dapat ay maging makatwiran ang kanilang singil sa mga ito.
Ipinaliwanag rin ng naturang local officials na mas makatutulong sa hotel industry sa lungsod kung magandang impresyon ang iiwan nila sa mga delegado na sa mga susunod na panahon ay posibleng muling bumalik sa Cebu bilang mga turista.
“Ang Cebu Province ay kabilang sa mga lugar nabanggit sa inilalatag na ASEAN Integration bilang isang pangunahing tourists’ destination sa bansa kaya dapat na alagaan natin ang magandang pagtingin nila sa ating lalawigan” dagdag pa ni Rama.
Ang Hotel rates sa Cebu City ay karaniwang nadodoble sa panahon ng Sinulog Festival tuwing buwan ng Enero at Chinese New Year kada buwan ng Pebrero. / Den Macaranas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.