Pinakamababang temperatura naitala sa Baguio City
By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2017 - 08:21 PM
Naitala kaninang umaga ang pinakamababang temperature sa Baguio City ngayong Amihan season.
Bumagsak sa 10.5 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City kaninang (Biyernes, February 10) madaling araw.
Ayon sa PAGASA, sa mga susunod na araw, posibleng mas bumaba pa ang temperatura.
Noong January 9, naitala ang 11 degrees Celsius na temperature sa Baguio City.
Samantala, sa weekend, posibleng bumaba sa 21 hanggang 20 degrees Celsius ang temperature sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.