Ex-Pres GMA, nakipaglibing sa kapatid kaninang umaga, balik Veterans na

August 15, 2015 - 04:50 PM

Arroyo
Inquirer file photo

Dumalo si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa libing ng kuya nitong si Arturo Macapagal sa Heritage Park Mortuary and Crematory sa Taguig City.

Bago mag alas diyes ng umaga dumating ang convoy ni Arroyo sa Heritage Park mula sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC)  sa Quezon City.

Walang inilibas na detalye ang pamunuan ng Heritage Park ukol sa libing ng kapatid ni Arroyo.

Mahigpit din ang seguridad at hindi pinapasok ang mga sasakyan ng Media na sumunod sa convoy ni Arroyo.

Pinayagan si Arroyo ng Sandiganbayan na pumunta sa burol at libing ng kanyang kapatid sa kundisyong sagot nito ang gastos sa biyahe, bawal ang media interview pati paggamit ng mga gadget at cellphone.

Mula alas diyes ng umaga hanggang alas dos ng hapon lamang pinayagan ng korte na manatili ang dating pangulo sa libing ng kapatid.

Dakong alas tres ng hapon ay balik ospital na ang dating Pangulo pagkatapos ng libing ng kapatid.

Pumanaw ang kapatid ng kongresista dahil sa sakit na prostate cancer. / Len Montaño

TAGS: Arroyo, Heritage Park, Macapagal, Arroyo, Heritage Park, Macapagal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.