AFP, kinumpirmang may naipasok na mga kontrobado sa AFP Custodial Center

16700073_10210602094103713_619390866_nKinumpirma ng AFP na mayroon ngang mga kontrabando na naipasok sa loob ng AFP Custodial Center kung saan nakapiit ang mga high profile inmates mula sa NBP o New Bilibid Prisons.

Ayon kay AFP PAO Chief Col. Edgard Arevalo, may mga nadiskubre mga gadgets tulad ng plasma TV at mga aircon units na hindi umano dapat naroroon.

Hugas-kamay naman si Arevalo sa mga natagpuang mga kontrabando dahil bagaman nasa loob ng Camp Aguinaldo ang pasilidad, ang DOJ pa rin ang may hurisdiksyon sa AFP Custodial Center kung saan nakapiit ang mga drug convicts tulad nina Herbert Ampang Colanggo.

Paliwanag ni Arevalo, sa ilalim ng kanilang pinirmahan MOA o Memorandum of Agreement sa DOJ, nag-inspeksyon sila sa pasilidad dahil nasa loob ito ng Camp Aguinaldo at isinumite na nila ang kanilang report dito ukol sa kontrabando noon pang Disyembre ng nakalipas na taon 2016.

Nauna nang nag-ininspeksyon si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa sa nabanggit na pasilidad kahapon matapos na maglabasan ang ulat na binibigyan umano ng special treatment ang mga high profile inmates sa loob ng AFP custodial center.

Read more...