Militar at mga rebelde, nasa ikatlong araw na ng bakbakan sa Cagayan

By Ruel Perez February 10, 2017 - 06:48 PM

cagayanUmabot na sa ikatlong araw ngayon ang bakbakan ng putok sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at militar sa probinysa ng Cagayan.

Ayon kay Cpt. Melvin Asuncion, CMO officer ng 502nd Brigade, nagsimula pa noong Miyerkules, Pebrero 8 ang bakbakan sa barangay Balani Sto. Nino, Cagayan.

Dagdag ng nasabing opisyal na malaking grupo ang kanilang nakasagupa sa nasabing lugar kung saan aabot umano ang mga ito sa 40 armadong kalalakihan.

Nagresulta naman sa pagkakalagas ng isang sundalo ang nasabing engkwentro mula sa panig ng gobyerno. Sa ngayon ay patuloy ang kanilang pursuit operation laban sa mga rebeldeng grupo na sinasabing main body ng NPA.

Ayon kay Asuncion, ang nasabing operasyon ay tugon ng militar matapos i-lift ang unilateral ceasefire ng gobyerno at pag deklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng all out war laban sa NPA.

TAGS: Cagayan, new people's army, NPA, Rodrigo Duterte, Sto. Niño, Cagayan, new people's army, NPA, Rodrigo Duterte, Sto. Niño

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.