Ex-Gov. ng Rizal, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa overpriced na fertilizer

By Alvin Barcelona February 10, 2017 - 08:06 PM

Casimiro Ynares JrSinampahan na ng Ombudsman ng kaso si dating Rizal Gov. Casimiro Ynarez sa Sandiganbayan.

Nakakita ang Ombudsman ng sapat na basehan para kasuhan si Ynares ng apat na bilang ng kasong graft dahil sa ‘di umano’y pagbili ng provincial government ng Rizal ng mga overpriced na fertilizer noong 2004 at 2005.

Lumabas sa ginawang imbestigasyon ng Ombudsman na pumasok si Ynares ng direct contract sa Feshan Philippines para magsuplay ng mahigit isaang libong bote ng organic fertilizer.

Ang nasabing kontrata ay nabatid na hindi dumaan sa public bidding at overpriced ng mahigit na isang milyong piso.

Nabatid na inulit pa ito ng Rizal government sa ilalim ng pamumuno ni Ynares noong 2005.

 

 

TAGS: Casimiro Ynares Jr, ombudsman, overpriced fertilizer, Rizal Province, Casimiro Ynares Jr, ombudsman, overpriced fertilizer, Rizal Province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.