44% ng mga Pinoy, naniniwala na posible ang umibig ng higit sa isang tao ng magkasabay

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2017 - 03:26 PM

SWS Survey for V-DayNaniniwala ang 44% ng mga Pinoy na maaring umibig ng higit sa iisang tao ng magkasabay.

Ito ang lumabas sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong huling quarter ng 2-16 o mula December 3 hanggang 6, ngunit ngayon lamang isinapubliko ang resulta ilang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Sa nasabing survey, tinanong ang mga respondent kung “sa palagay nila ay maari bang umibig ng higit sa isang tao ng magkasabay o sa parehong pagkakataon” kung saan 25% ang sumagot ng ‘talagang posible’, 19% ang nagsabing ‘medyo posible’, at 37% naman ang nagsabing ‘talagang imposible’.SWS Survey CHART 1

Nasa 12% naman ang undecided.

Sa follow-up question, tinanong ang mga respondents kung “naranasan na ba nilang umibig ng higit sa isang tao ng magkasabay” kung saan 19% ang sumagot ng ‘OO’ at 81% ang nagsabing ‘HINDI’.

SWS Survey CHART 2Ayon sa SWS, ang net possibility score ng tsansang umiibig ng higit sa isang tao sa parehong pagkakataon ay maituturing na ‘strong’ o +47.

Sa mga naisailalim sa survey, ang relihiyon ng karamihan sa mga sumagot na posible talaga ang magmahal ng higit sa isang tao ng magkasabay ay pawang mga Muslim (34%), Iglesia ni Cristo (29%), iba pang relihiyon (26%) at Katoliko (24%).

 

 

TAGS: falling in love with more than one person at the same time, survey, SWS, falling in love with more than one person at the same time, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.