Mga turista at residente sa Baguio City, pinayuhang huwag maniwala sa mga kumakalat na mensaheng may banta sa lungsod

Statement of Mauricio DomoganKinalma ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang mga residente at turista sa lungsod bunsod ng daan-daang police trainees na nakakalat ngayon sa iba’t ibang panig ng Baguio.

Ayon kay Domogan, nananatiling ligtas at walang anumang banta sa Baguio City.

Bagaman nasa heightened alert aniya ang kalapit nilang munisipalidad sa Benguet, nananatili namang normal o nasa preemptive ang alerto sa lungsod.

Sa Tuba, Benguet, itinaas ang heightened alert dahil sa isinasagawang hot pursuit operations ng Philippine National Police at ng Philippine Army laban sa mga nasa likod ng panununog sa dalawang truck Philex Mines sa Camp 4, Tuba, Benguet.

Payo ni Domogan, hindi dapat ikabahala ang ginawa nilang pagpapakalat ng 300 police trainees na mananatili sa Baguio City sa loob ng anim na buwan.

Dagdag pa ni Domogan walang katotohanan ang mga text messages at mga post sa social media na may banta sa lungsod.

“Circulating messages through text and the social media did not come from authorities but may serve as precautions. Let us not panic but rather be vigilant.” Ani Domogan.

Kasabay nito, tiniyak ni Domogan na kontrolado ng lokal na pamahalaan at mga otoridad ang peace and order situation sa Baguio City.

 

Read more...