Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, normal pa, apat na araw bago ang Valentine’s day

By Dona Dominguez-Cargullo February 10, 2017 - 11:27 AM

Radyo Inquirer File Photo | Alvin Barcelona
Radyo Inquirer File Photo | Alvin Barcelona

Ilang araw bago sumapit ang Valentine’s day, naghahanda na ng magagandang arrangements ng bulaklak ang mga nagtitinda sa Dangwa sa Maynila.

Inaasahan ng mga nagtitinda ng bulaklak na mula ngayong weekend, may mangilan-ngilan nang mamimili ng bulaklak, ang iba ay para ibenta rin at ang iba naman ay para maagang magregalo sa kanilang mahal sa buhay.

Sa ngayon mabibili pa ang isang dosenang Rosas sa Dangwa sa halagang 450 pesos, 170 hanggang 180 pesos naman ang halaga ng kada sampung piraso ng Gerbera, 90 hanggang 100 pesos ang kada piraso ng Tulip, 130 hanggang 150 pesos per stem ang Stargazer, 170 hanggang 180 per bundle ang Carnation, 150 pesos per stem ang Sunflower, 500 pesos kada bundle ng Orchids at 120 kada bundle ng Misty blue.

May mabibili ding 150 kada bundle ng assorted na mga bulaklak, habang kung inayusan naman ay aabot sa 300 hanggang 600 pesos ang halaga depende sa laki.

Sa Lunes at sa mismong Valentine’s day sa Martes inaasahan ng mga nagtitinda ng bulaklak na mas dadagsa ang mamimili sa Dangwa.

 

TAGS: Dangwa, flowers, valentine's day, Dangwa, flowers, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.