Mahigit 700 pulis, ipinatawag sa MPD headquarters
Sinabon ang mahigit 700 pulis nang sila ay ipatawag sa headquarters ng Manila Police District (MPD).
Ang mga ipinatawag na pulis ay pawang may mga kinakaharap na kasong kriminal at administratibo.
Napuno ang multi-purpose hall ng MPD at pinagalitan ni Police Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng District Directorial Staff ang mga ipinatawag na pulis.
Ipinaalala ni Bustamante ang criminal at administrative code ng PNP.
Samantala, umaalma naman ang iba sa mga ipinatawag na pulis dahil hindi naman umano sila mga “police scalawag”.
Ang ilan umano sa kanila ay may kinakaharap na kaso, pero bunga ito ng pagtupad sa kanilang tungkulin.
Ang naturang inisyatibo ng Manila Police District ay bahagi na rin ng kampanya ng pamunuan ng PNP kontra mga scalawag na pulis.
WATCH: Mga pulis Maynila na may kaso, ipinatawag sa MPD Headquarters | @CyrilleCupino pic.twitter.com/EVaxR9MS3y
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 10, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.