Minimum na pamasahe sa jeep, P8.00 na simula ngayong araw

jeepneyNagsimula na kaninang hatinggabi ang pagpapatupad ng pisong dagdag sa mimimum na pamasahe sa jeep.

Simula ngayong araw ng Biyernes, P8.00 na ang singil sa minimum na bayad sa pamasahe sa jeep sa National Capital Region, Region 3 at Region 4.

Nagpaalala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dapat nakapaskil sa loob ng jeep ang notice of provisional fare increase upang malinaw itong mapansin ng mga pasahero.

Marami ang nalito kahapon at naningil na agad ng dagdag pasahe sa jeep dahil ito ang unang itinakdang araw ng implementasyon nito, ngunit iniurong ito ng LTFRB dahil hindi ito nailathala agad sa mga pahayagan.

Gayunman, ipinaalala rin ng LTFRB na maaring mamultahan ng hindi bababa sa limang libong piso ang mga maagang naningil ng dagdag pasahe sa jeep kahapon, dahil ngayon talaga dapat ang unang araw ng pagpapatupad nito.

Samantala, sa susunod na linggo naman ang posibleng implementasyon ng 40-pesos flagdown rate sa taxi kasunod ng pagpirma sa resolusyong nag-aatas nito.

Matatandaang pinayagan na ng LTFRB ang naturang dagdag-pasahe matapos ang sunud-sunod rin na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Read more...