Mga jeep, bawal na dumaan sa EDSA-Guadalupe simula Lunes

By Kabie Aenlle February 10, 2017 - 04:45 AM

TRANSPORT CARAVAN-PROTEST/JUNE 19, 2014 Stranded commuters wait for a ride along Commonwealth Ave. during the transport coalition caravan in Quezon City. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Sisimulan na sa Lunes ang pagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga jeep na bumiyahe sa EDSA-Guadalupe.

Hindi na papayagang dumaan sa EDSA ang mga jeep na bumibiyahe sa ruta papuntang Gate 3 Housing, AFP Housing at Leon Guinto.

Ayon sa MMDA, ang mga jeep na magmumula sa Magsaysay street ay padadaanin na sa P. Burgos street papuntang Sgt. Yabut street, patungo sa kanilang mga destinasyon.

Nagdesisyon ang MMDA na simulan ang pagbabawal sa mga jeep sa EDSA, sa paglalayong mapaluwag ang daloy ng trapiko sa bahaging iyon ng EDSA.

Tiniyak naman ni Neomie Recio ng MMDA Traffic Engineering Center na magpapakalat sila ng mga traffic enforcers sa EDSA upang sitahin ang mga pasaway na jeepney drivers.

Makikipagtulungan na rin ang MMDA sa Philippine National Police-Highway Patrol Group para sa pagpapatupad ng bagong traffic scheme.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.