Termination notice para sa JASIG, hindi kikilalanin ng NDFP

Fidel-AgcaoiliIginiit ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na tumatanggi silang kilalanin ang dokumentong ibinigay ng pamahalaan para kanselahin ang Joint Agreement on Security on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Ayon kay NDFP chief negotiator Fidel Agcaoili, “unjust, unreasonable and improper” ang ipinadalang termination notice ng pamahalaan para sa JASIG.

Giit niya, wala silang nakikitang patas at makatarungang dahilan para biglang kanselahin ng pamahalaan ang JASIG, ilang linggo lamang pagkatapos ng pinakahuling round ng peace talks.

Nanghihinayang rin si Agcaoili dahil malayo na rin ang naiusad ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo.

Samantala, bukod dito ay pinuna rin ni Agcaoili na mali ang termination notice na ipinadala sa kanila ng Presidential Adviser on the Peace Process, dahil ito ay “improperly addressed.”

Paliwanag ni Agcaoili, ito dapat ay ipinadala sa National Executive Committee ng NDFP, sa pamamagitan ng negotiating panel.

Pareho kasi aniyang naka-address sa kaniya at sa kanilang chief political consultant na si Jose Maria Sison ang ipinadalang liham ng gobyerno.

Read more...