PNP, iimbestigahan ang SAF commandos na nagbabantay sa mga high profile inmate sa Camp Aguinaldo

By Ruel Perez February 09, 2017 - 06:21 PM

Kuha ni Angellic Jordan
File photo/Angellic Jordan

Paiimbestigahan ni Philippine National Police chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga miyembro ng PNP-Special Action Force na nagbabantay sa mga high profile inmate sa AFP Custodial Center sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Bato, layon ng imbestigasyon na malaman kung alam ng mga PNP-SAF ang pagpasok ng kontrabando sa custodial center kung saan nakakulong ang mga high profile inmate na inilipat doon mula sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Giit ni Dela Rosa, trabaho ng PNP-SAF na bantayan ang pasilidad para matiyak na walang makakatakas habang ang Bureau of Correction ang nangangasiwa sa lugar kung saan nakapiit ang mga high profile inmate.

Samantala, iginiit naman ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na mayroon silang ginagawang regular na security survey inspection para matiyak na walang mangyayaring espionage o security compromise sa kanilang pasilidad

Nagtungo sa Kampo Aguinaldo si PNP chief Dela Rosa ngayong araw para pirmahan nila ni AFP Chief of Staff Año ang Joint Peace and Security Coordinating Center Agreement.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.