Wala umanong itinakdang deadline ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung kailan nila dapat mahuli lahat ang mga consultants ng National Democratic Front (NDFP).
Ayon kay CIDG Chief PDIR Roel Obusan, ang mahalaga ay maibalik lahat ng mga consultants sa pangangalaga ng korte.
Pero inamin ni Obusan, na dahil ang direktiba ay galing mismo kina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Ronald Bato De La Rosa, kailangan nilang gawin itong priority sa lahat.
Dahil dito, nakikipag ugnayan na umano sila sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies para sa pag-aresto sa mga ito.
Ganoon din sa Bureau of Inmigration upang malaman kung nakabalik na lahat sa bansa ang mga nakibahagi sa peace talks sa Oslo, Norway at Rome, Italy
Samantala, tumanggi naman si Obusan na banggitin kung ilan lahat ang mga NDF consultants na target ng kanilang operation.
Bagaman sa mga reports, may 20 hanggang 30 ang mga NDF consultants na ipinaaresto kabilang sina: Wilma at Benito Tiamzon, Vic Ladlad, Adelberto Silva, Alfonso Jazmines ,Alfredo Mapano, Loida Magpatoc, Pedro Cudaste, Ruben Salota, Ernesto Lorenzo, Porferio Tuna, Renante Gamara at Tirso Alcantara.