PNP-CIDG mangunguna sa paghahanap sa mga NDFP consultants

By Ruel Perez February 09, 2017 - 03:31 PM

pnp
Inquirer file photo

Wala umanong itinakdang deadline ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung kailan nila dapat mahuli lahat ang mga consultants ng National Democratic Front (NDFP).

Ayon kay CIDG Chief PDIR Roel Obusan, ang mahalaga ay maibalik lahat ng mga consultants sa pangangalaga ng korte.

Pero inamin ni Obusan, na dahil ang direktiba ay galing mismo kina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Ronald Bato De La Rosa, kailangan nilang gawin itong priority sa lahat.

Dahil dito, nakikipag ugnayan na umano sila sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies para sa pag-aresto sa mga ito.

Ganoon din sa Bureau of Inmigration upang malaman kung nakabalik na lahat sa bansa ang mga nakibahagi sa peace talks sa Oslo, Norway at Rome, Italy

Samantala, tumanggi naman si Obusan na banggitin kung ilan lahat ang mga NDF consultants na target ng kanilang operation.

Bagaman sa mga reports, may 20 hanggang 30 ang mga NDF consultants na ipinaaresto kabilang  sina: Wilma at Benito Tiamzon, Vic Ladlad, Adelberto Silva, Alfonso Jazmines ,Alfredo Mapano, Loida Magpatoc, Pedro Cudaste, Ruben Salota, Ernesto Lorenzo, Porferio Tuna, Renante Gamara at Tirso Alcantara.

TAGS: CIDG, ndfp, NPA, PNP, CIDG, ndfp, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.