Wally Sombero bigo pa ring makadalo sa Senate hearing sa bribery scandal sa BI

By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2017 - 11:07 AM

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Dahil sa problema sa kalusugan, nabigo muli ang dating pulis na si Wally Sombero sa pagdinig ng senado ngayong araw kaugnay sa umano ay pangingikil ng mga opisyal ng Bureau of Immigraiton (BI) sa gaming tycoon na si Jack Lam.

Ayon sa abogado ni Sombero na si Atty. Ted Contacto, nasa Vancouver, Canada pa ngayon ang kaniyang kliyente.

Sinubukan naman talaga aniya ni Sombero na makauwi ng Pilipinas para makadalo sa hearing, pero hindi umano ito pinayagang makasakay ng eroplano dahil sa kaniyang kondisyong pangkalusugan.

Binasa ni Contacto ang liham ni Sombero na nagpapaliwanag sa kaniyang hindi pagsipot.

Nakasaad sa liham na noong February 6, papasakay na sana ng eroplano si Sombero pauwi ng Pilipinas pero nakaranas ito ng palpitations at tumaas ang blood sugar.

May ipinrisinta ring mga larawan na nagpapakita na binibigyan ng atensyong medical si Sombero ng 911 paramedics sa airport ng Vancouver, Canada.

Sa kasagsagan ng pagdinig ayon kay Contacto, nasa paliparan sa Vancouver si Sombero para huminging medical clearance pauwi ng Pilipinas.

 

 

TAGS: Jack Lam, senate hearing, Wally Sombero, Jack Lam, senate hearing, Wally Sombero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.