Sundalo patay sa pakikipagbakbakan sa NPA sa Cagayan

By Rohanisa Abbas February 09, 2017 - 11:02 AM

Sto Nino CagayanPatay ang isang sundalo matapos ang pakikipagbakbakan sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Cagayan.

Kinumpirma ni Lt. Col. Rembert Baylosis, commander ng 17th Infantry Battalion ng Army na nakasagupa nila ang mga armadong kalalakihan sa Barangay Balanni, Santo Niño.

Hindi pa pinangalanan ni Baylosis ang nasawing sundalo dahil ipapaalam pa sa pamilya nito ang nangyari.

Ani Baylosis, nagsasagawa lamang ng “security operation” ang tropa malapit sa boundary ng Rizal at Santo Niño nang makaharap ng mga sundalo ang mga hinihinalang rebelde.

Tumagal ng 20-minuto ang bakbakan at matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga hinihinalang NPA.

Pinaniniwalaan namang nagtamo rin ng casualties ang mga rebelde dahil may mga bakas ng dugo na nakita sa kanilang dinaanan.

 

 

TAGS: Cagayan, encounter, military, NPA, Cagayan, encounter, military, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.