Sementadong kalsada sa C-6 Road, binuksan na sa mga motorista

NIÑO JESUS ORBETA/Philippine Daily Inquirer
NIÑO JESUS ORBETA/Philippine Daily Inquirer

Maari nang magamit ng mga motorista ang sementadong bahagi ng Laguna Lake Highway na dating kilala sa tawag na C-6 Dike Road.

Ito ay matapos na pormal na buksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang linya para sa mga motorista na galing sa Taytay, Rizal at patungo sa Bicutan.

NIÑO JESUS ORBETA/Philippine Daily Inquirer

Epektibo alas 7:30 ng umaga kanina, (February 9) bukas na ang dalawang sementadong linya na ang haba ayisang kilometero mula sa bahagi ng Napindan hanggang M.L. Quezon sa Taguig.

Pero ayon sa DPWH, tanging light vehicles lamang muna ang makagagamit ng bagong bukas na linya.

Ang dalawang dating lanes sa C-6 Road na ginagamit ng mga motorista ay lubak-lubak at maalikabok.

Sa sandaling makumpleto na ng DPWH ang pag-semento sa apat na linya ng C-6, inaasahang tatagal lang ng 30-minuto ang biyahe mula Taytay hanggang Bicutan at pabalik.

Makatutulong din ang kalsada para mabawasan ang mga motoristang bumabaybay sa EDSA at C5.

 

 

Read more...