100 bahay nasunog sa Legazpi City
By Dona Dominguez-Cargullo February 09, 2017 - 09:36 AM
Aabot sa 100 mga bahay ang nasunog sa Barangay 28, Victory Village sa Lagazpi City, Huwebes (February 9) ng umaga.
Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa isang poste ng kuryente pasado alas 2:00 ng madaling araw.
Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa Legazpi City, Sto. Domingo, Daraga at Camalig para maapula ang apoy.
Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng pinsala ng nasabing sunog.
Nananawagan naman ng tulong ang mga residenteng nawalan ng tirahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.