Niyanig ng 3.7 magnitude na lindol ang bayan ng Nasugbu sa Batangas alas 4.54 ng umaga ng Huwebes (February 9).
Naitala ang pagyanig sa 25 kilometers South ng Nasugbu.
May lalim na 92 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Unang itinala ng Phivolcs sa 3.8 ang magnitude ng lindol pero ibinaba ito makalipas ang ilang minuto.
Wala namang inaasahang pinsala dahil sa nasabing lindol at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.