Lalake, tinambangan sa QC patay

By Cyrille Cupino February 09, 2017 - 04:23 AM SHARE(S):

 

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos tambangan sa Visayas St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Bryan Jay Gargani, 28-anyos, nagta-trabaho bilang isang pintor.

Kwento ng ina ng biktima, galing sa trabaho ang kanyang anak at dumaan lang sa lugar para dumalo sa birthday.

Habang masayang nakikipag-inuman ang biktima sa tatlong mga kaibigan, bigla na lamang umanong may dumating na dalawang lalaking naka-motor saka pinaulanan ng bala ang biktima.

Dead-on-the-spot si Gargani na nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan.

Nagpulasan at hindi naman nagpakita ang tatlong kaibigan ng biktima matapos ang insidente.

Ayon sa ina ng biktima, hindi gumagamit ng droga ang kanyang anak, at ayon sa barangay, wala rin ito sa kanilang drug watchlist.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Quezon City Police sa naturang krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.