Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, mabibigyan ng oportunidad para makasagot o makapagpaliwanag ang mga kumpanyang nahaharap sa mining closures dahil sa paglabag sa batas pang-kalikasan.
Bukod dito, maaari rin nilang i-dispute ang nasabing audit, o kaya ay gumawa na lang ng hakbang para masigurong susunod na sila sa mga panuntunan ng gobyerno.
Napag-usapan rin aniya ang isyu ng pagpapasara ni Environment Sec. Gina Lopez sa ilang mga minahan dahil sa paglabag sa mga environment laws sa kanilang Cabinet meeting noong Martes.