Duterte, tiniyak sa mga minahan na may ‘due process’ sa audit ng DENR
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga miyembro ng kaniyang Gabinete na mapagkakalooban ng due process ang mga minahan na sasailalim sa audit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, mabibigyan ng oportunidad para makasagot o makapagpaliwanag ang mga kumpanyang nahaharap sa mining closures dahil sa paglabag sa batas pang-kalikasan.
Bukod dito, maaari rin nilang i-dispute ang nasabing audit, o kaya ay gumawa na lang ng hakbang para masigurong susunod na sila sa mga panuntunan ng gobyerno.
Napag-usapan rin aniya ang isyu ng pagpapasara ni Environment Sec. Gina Lopez sa ilang mga minahan dahil sa paglabag sa mga environment laws sa kanilang Cabinet meeting noong Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.