Naniniwala si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Sen. Panfilo Lacson na karapatdapat lang ipahiya ang mga pulis na gumawa ng kalokohan o katiwalian.
Ito ang reaksyon ni Lacson kaugnay ng pamamahiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mahigit 200 pulis na may kaso na iniharap sa kaniya bilang bahagi ng internal cleansing ng PNP.
Ayon sa senador, ang layunin ng pangulo sa pagre-reassign sa mga pulis sa Basilan at Tawi-Tawi ay para maalis ang mga ito mula sa mga tinatawag na “areas of influence.”
Suportado naman ng senador ang nasabing hakbang ng pangulo para sa mga pasaway na pulis.
Kwento pa ni Lacson, noong siya ang hepe ng PNP, ipinatapon niya ang mga tiwaling pulis sa “hardship posts” tulad ng Samar kung saan malayo sila sa kanilang mga “usual comforts and conveniences” na natatamasa nila sa National Capital Region.
Aminado naman si Lacson na maaring magdulot ng demoralization sa ilang mga pulis ang sistema ng pagdidisiplina ni Duterte, pero maari rin naman nitong mapataas ang morale ng mga matitinong pulis dahil nakikita nilang sino-solusyunan ang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.