Ito ang reaksyon ng rebeldeng komunista sa banta ng all-out war ng Duterte administration.
Ayon kay Cleo Del Mundo, tagapagsalita ng NPA Apolonio Mendoza command na nakabase sa Quezon Province, hndi na bago sa kanila ang gyera.
Matagal na nila aniyang isinusulong ang pakikibaka at makailang ulit na nila itong nalagpasan.
Sa nakalipas na anim na buwan aniya, kanilang pinaghahandaan na ang mas pinalawak na opensiba na posibleng isagawa ng mga sundalo sa lalawigan ng Quezon.
Sinabi rin ni Fidel Agcaoili, tagapagsalita ng National Democratic Front, panahon pa ng dating Pangulong Cory Aquino ay nagdeklara na rin ito ng ‘all out war’ laban sa rebeldeng grupo.
Sa kabila ng banta, magpapatuloy aniya sila sa pagsusumikap na ihatid ang kalayaan sa mga Pilipino tungo sa totoong kapayapaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.