Dagdag piso sa minimum fare, sa Byernes na lang ipatutupad-LTFRB
Sa halip na ngayong araw ay sa Byernes, February 10 na lamang ipapatupad ang dagdag piso sa minimum na pasahe sa mga pampublikong jeepney.
Ito ay ayon sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Apektado ng dagdag-pasahe ang mga pampublikong jeep sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4.
Nilinaw rin ng LTFRB na dapat ay nakapaskil sa loob ng jeep ang Notice of Provisional Fare Increase upang malinaw itong makita ng mga pasahero.
Una nang humirit ng dagdag sa pasahe ang grupong Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.