Chavit Singson, hands off sa posibleng Pacquiao fight sa Pilipinas

 

Dumistansya si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa posibilidad ng pagdadala ng isang Pacquiao fight sa Pilipinas tulad ng ginawa niya para sa Miss Universe pageant nitong nakalipas na Enero.

Sa pagharap ni Singson sa Meet the Inquirer Multimedia forum, sinabi nito na mahihirapan ang mga negosyante na idaos sa Pilipinas ang laban ni pambansang kamao Manny Pacquiao maliban na lamang kung tutulong dito ang Department of Tourism.

Maaari lamang aniya na kumita ang Pacquiao fight sa Pilipinas kung ang makakalaban nito ay alinman kina Floyd Mayweather o si Juan Manuel Marquez.

Pero sa ngayon, malabo aniya na magkatotoo ang mga nasabing match-up dahil ayaw lumaban ni Mayweather sa labas ng Las Vegas at masyado namang malaki ang hinihingi ni Marquez para sa ikalimang rematch nito kay Pacquiao.

Read more...