Chavit Singson, hands off sa posibleng Pacquiao fight sa Pilipinas

By Alvin Barcelona February 09, 2017 - 04:18 AM

 

chavit singson meet inquirer (1)Dumistansya si dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa posibilidad ng pagdadala ng isang Pacquiao fight sa Pilipinas tulad ng ginawa niya para sa Miss Universe pageant nitong nakalipas na Enero.

Sa pagharap ni Singson sa Meet the Inquirer Multimedia forum, sinabi nito na mahihirapan ang mga negosyante na idaos sa Pilipinas ang laban ni pambansang kamao Manny Pacquiao maliban na lamang kung tutulong dito ang Department of Tourism.

Maaari lamang aniya na kumita ang Pacquiao fight sa Pilipinas kung ang makakalaban nito ay alinman kina Floyd Mayweather o si Juan Manuel Marquez.

Pero sa ngayon, malabo aniya na magkatotoo ang mga nasabing match-up dahil ayaw lumaban ni Mayweather sa labas ng Las Vegas at masyado namang malaki ang hinihingi ni Marquez para sa ikalimang rematch nito kay Pacquiao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.