Hindi itinuturing ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson na isang malaking pagkalugi ang pagdaraos ng Miss Universe pageant sa Pilipinas.
Sa panayam kay Singson sa Meet the Inquirer Multimedia, inamin nito na kung pera ang pag uusapan, lugi siya bilang negosyante sa pagho-host ng Miss Universe.
Hindi niya aniya alam noong una na hindi pala tutulong ang pamahalaan sa Miss Universe dahil wala itong pera.
Sa kabuuan aniya ay gumastos siya at iba pang kasama niyang sponsor sa Miss Universe pageant ng 15 million US dollars.
Pero para kay Singson, isang investment ang pagho-host ng Miss Universe at kahit lugi, ang mahalaga na naipakita sa buong mundo ang mga magagandang lugar sa Pilipinas at inaasahan niya na magdadala ito ng mas maraming turista sa bansa.